Korapsyon sa road user’s tax at kotongan

BALAK ng gobyerno na palakihin ng 40 porsiyento ang motor vehicle user’s charge o road user’s tax.

Ang MVUC ang pinakamalaking bayarin sa pagrerehistro ng sasakyan, Suki.

Katumbas ng MVUC ang generation charge na pinakamalaki sa ating binabayaran sa kuryente.

Para sa ordinaryong kotse, nasa P1,400 ang MVUC.

Nasa P2,500 naman ang karaniwang singil sa sports utility vehicle gaya ng Pajero, Fortuner, Honda CRV at iba pa.

Magkano naman ang sa motorsiklo, traysikel, jeepney, taxi, bus, truck at iba pa?  Pero balak ng gobyerno na balasahin pa ang mga klase ng mga sasakyan para siguro mas malaki ang halaga na kikitain nito.

oOo

Sabi ng Department of Justice, oki na at wala nang balakid sa Land Transportation Office na maningil ng MVUC.

Kandatuwad naman ang Department of Finance sa sinabi ng DOJ.

Magkakaroon na umano ng mas malaking pondo ang gobyerno para sa paggawa ng mga kalsada at paglalagay ng mga senyales para sa mga motorista para sa iwas disgrasya.

Wha tayong masasabi sa layunin kaugnay ng MVUC.

oOo

Pero hindi ba batbat ng iskam itong MVUC?

Nasaan nga pala yung P8 bilyon na naipon ng LTO at ibinigay sa Road User’s Board para gamitin sa maganda at ligtas na kalsada?

Hindi ba’t dito nag-aaway-away ang mga onorabol sa Kongreso sa kawalan o liit umano ng kanilang parte rito?

‘Di natin alam kung ano ang nagaganap sa gobyerno.

Kung pagkukuwartahan si Juan ay gayon na lamang.

Tingnan ninyo. Bukod sa MVUC, may value added tax na sa bilihan dito, petrolyo, piyesa at iba pa, talamak pa ang kotongan sa mga kalsada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply