Korean kulong sa reklamo ng piloto

PATUNG PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang Korean national nang maaresto ng awtoridad makaraang ireklamo ng piloto ng Airphil Express na kanyang pinagbantaang patayin at puwersahan pang pumasok sa tirahan ng biktima kaninang madaling araw sa Las Piñas City.

Nahaharap sa kasong grave threat, trespassing at malicious mischief ang kinakaharap ng Koreanong si John Kim, 41 ng 1010 Domingo Poblete St., PDP Executive Village, BF Homes Parañaque City matapos ireklamo ng pilotong  si Ian Josenido Enriquez, 33,  ng 854 Turin St., Tropical Palace BF International, Barangay CAA, Las Piñas city.

Nabatid kay Las Piñas police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula na puwersahang pinasok ng dayuhan ang compound ng biktima dakong ala-1:30 ng madaling araw at ginasgas ng matulis na bagay ang nakagarheng Mitsubishi Montero na may plakang PKQ-283.

Pinagbantaan pa ng dayuhan si Enriquez na papatayin kaya’t humingi na ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapitbahay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Iniimbestigahan na kung ano ang motibo ng dayuhan sa ginawang pagbabanta sa buhay ng piloto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply