Korean nang-umit sa mall, kalaboso

KALABOSO ang isang Korean national matapos itong mang-umit ng isang imported can goods sa isang kilalang mall sa Maynila kagabi.

Nakakulong ngayon sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang suspek na si Kevin Lee o kialla rin sa Korean name nitong si Lwechang Ho, 49, walang trabaho, nanunuluyan sa Balagtas Condo, Pasay City.

Sa report ni PO3 Jay-jay Jacob, dakong alas-8:00 kagabi nang pumasok sa Shopwise Harrison Plaza ang suspek at nagpanggap na kostumer.

Ayon naman kay Gilbert Jan Guzman, in house checker, kasalukuyan siyang nag-iikot sa loob ng supermarket upang magmasid sa mga namimili nang mapansin niya ang suspek na kumuha ng isang lata ng Delton Fin Tuna na nagkakahalaga ng P423 saka isinilid sa bulsa ng kanyang suot na jacket.

Pinabayaan umano ni Guzman ang suspek sa pag-aakalang babayaran nito sa counter ang kinuhang de-lata subalit nagtuloy-tuloy na lumabas sa exit ng supermarket si Lee.

Dahil dito, agad na hinabol ni Guzman ang suspek at sinita sa ginawa bago dinala sa kanilang security office saka ini-report sa MPD-Station 9 para sa pagsasampa ng kaukalang reklamo.

Ayon sa suspek, isa’t kalahating araw na umano itong hindi kumakain dahil lagi itong natatalo sa casino kaya nagawa niyang magnakaw ng de-lata upang maibsan ang kanyang pagkagutom.

Si Lee ay itinurn-over naman ng MPD-Station 9 sa MPD-GAS upang masampahan ng kasong shoplifting.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply