Korean national nagpatiwakal

INAALAM ng Paranaque police ang motibo sa ginawang pagpapakamatay ng isang Korean national nang madiskubre itong nakabitin sa loob ng shower room ng kanilang tirahan kahapon ng umaga sa Paranaque City.

Isinugod pa ng kanyang asawa at mga anak sa Paranaque Medical Center ang biktimang si Jung Jinoung, 52 nang pagtulungan nilang alisin ang pagkakapulupot sa leeg ng ginamit na kawad ng water heater subalit patay na nang idating sa naturang pagamutan.

Batay sa report nina SPO2 Allan Abarra at SPO1 Christopher Bilangel ng Investigation Division ng Paranaque police, natuklasan ni Gng. Kim Min Kyung ang nakabiting bangkay ng asawa nang pumasok siya sa shower room na nasa loob ng kanilang silid sa tinitirhang bahay sa #9 Nicanor Tomas St., Phase 6A Village, Barangay BF Homes dakong alas-10 ng umaga.

Kaagad na tinawag ni Kim ang kanilang mga anak at pinagtulungan nilang alisin ang nakapulupot na kawad sa leeg ng biktima na ang kabilang dulo ay itinali naman sa biga sa loob ng shower room.

Wala namang maibigay na dahilan ang pamilya sa motibo ng ginawang pagpapatiwakal ng Koreano at hindi rin nakakita ang pulisya ng anumang uri ng nangyaring karahasan dahil malinis at walang nagalaw na kagamitan sa loob ng bahay ng dayuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply