Kosmetikong may mercury, nagkalat sa Baclaran mall

NAALARMA ang isang grupo na laban sa mga nakalalasong produkto sa paglipana ng mga kosmetikong may halong mercury sa isang shopping mall sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa Eco Waste Coalition, ang mga nakalalasong produkto na ipinagbabawal ng Food and Drug Administration tulad ng mga whitening lotions at creams ay hayagang ibinebenta sa loob ng Baclaran Terminal Plaza .

Napapanahon na umano na papanagutin ang mga negosyante sa batas sa patuloy na pagbebeta ng mga nakalalasong produkto sa kabila ng pagbabawal ng FDA kung saan umabot sa 50 produkto  na may mercury na mahigit sa pinapayagang dami ang nasa listahan nito,ayon kay Ecowaste Coalition chairman Manny Calonzo.

Hiniling ng grupo sa FDA na ipasara ang mga stall na nagtitinda ng mga toxic products, at huwag ng pahintulutan ng mall operator sa pagtitinda ng mga nakalalasong produckto, ani Calonzo.

Hindi umano titigil ang paglipana sa merkado ng mga nakalalasong kosmetiko kung hindi magpapakita ang pamahalaan ng kamay na bakal at pangil sa umiiral na batas laban sa mga toxic na produkto.

May limang produkto ang nakumpirma ng grupo na may nakalalasong mercury ang binibenta sa Baclaran mall, matapos ang kanilang pagmamatyag at pag-iimbestiga bago nila kinalampag ang FDA.

Sa pagsasaliksik ng World Health Organization, ang mga inorganic mercury sa mga skin lightening soaps at creams ay magdudulot ng pagkasira ng kidney. Magdudulot din ito ng pangangati ng balat, bacterial at fungal infections .

Nanawagan din ang grupo sa FDA na magpadala ng mga mag-iinspeksyon sa mall na nabanggit at kumpiskahin ang mga bawal na produkto,mag-isyu ng mga notice of violation laban sa mga pwesto at magpatupad ng temporary closure order sa mga ito.

Ang mga produktong may mercury na nakita sa  mall ay ang  Jiaoli Miraculous Cream, Jiaoli 7-Days Specific Eliminating Freckle AB Set, Miss Beauty Excellent Therapy Whitening Cream at S’Zitang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply