Kotse ng among pulis tinangay, driver kulong

KULONG at nahaharap sa kasong carnapping ang isang driver matapos tangayin ang sasakyan ng among pulis sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Joebrin Dimaunahan, 31 ng Libis Baesa ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nitong Hulyo 16 nang mawala ang Hyundai Accent (NIB-349) ni PO1 Johnel Bunao, 37 ng Valenzuela City Police habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa BCL Homes, Gen. T. De Leon ng lungsod.

Sinabi naman ng dispatcher ni Bunao na ang suspekang nakikitang labas-pasok sa kanilang garahe at hindi na sumipot matapos mawala ang sasakyan ng pulis.

Dakong alas-7:00 ng umaga kahapon ay nakita ng saksi ang suspek na dala ang nawawalang sasakyan ng amo subalit nawala habang sinusundan sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Makalipas ang ilang oras ay lumutang ang suspek sa garahe ng biktima at sinabing kung maaari na muli siyang makapasada sa isa sa mga taxi ni Bunao subalit nagdatingan na ang mga pulis at dinakip ang suspek.

Sa isinagawang interogasyon, inamin ng suspek ang kasalanan at sinabi na ang sasakyan ay nasa Dolores Quezon na naging dahilan upang puntahan at mabawi.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply