Kotse pinasabog sa GenSan, 1 sugatan

MASUSING iniimbestigahan ngayon ng awtoridad ang tunay na motibo sa naganap na pagsabog ng sasakyan ng isang negosyante sa Papaya St., General Santos City kagabi, kung saan isa ang nasugatan.

Sinasabing isang tricycle driver ang nasugatan sa naturang pagsabog na kinilalang si Alfredo Sanchez nang mapadaan ang ipinapasadang tricycle sa sumabog na sasakyan.

Ayon sa salysay ni Luis Tan, hardware owner at may-ari ng pinasabog na Mitsubishi Adventure, pasado alas 8:00 nang may lalaking humingi sa kanya ng pera bago mangyari ang insidente ngunit hindi naman niya kilala ito.

Ilan sa tinitinggnang motibo ng mga awtoridad sa pagpapasabog sa sasakyan ni Tan ay terorismo o extortion bagamat hindi pa nila ito tiyak at patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply