Kotse sinalpok ng dyip: 8 katao sugatan

SUGATAN ang walo katao kabilang ang drayber ng pampasaherong dyip at kotse matapos na magbanggaan ang mga ito sa Green Meadows, Pasig kagabi (Hulyo 17).

Sa ulat sa radyo, ayon sa Pasig City Fire Rescue, sugat sa likod at ulo ang natamo ng drayber ng dyip na si Olimpio Santiago.

Minor injuries naman ang tinamo ng mga pasahero ni Santiago.

Habang sugatan din ang drayber ng Chevrolet na nakilalang si Susana Ojeda nang makaranas ng pagkahilo bunsod ng banggaan.

Isang saksi sa aksidente ang nagsabi na mabilis ang takbo ng dyip kaya sumalpok ito sa kotse, saka sumampa sa gutter at tumagilid.

Lumalabas din sa imbestigasyon na nakipagkarerahan ang dyip at nang mag-pula ang traffic light, nawalan ito ng kontrol at nasalpok ang kotse ni Ojeda.

Wasak na wasak ang dalawang sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply