Krimen bumaba na; Nixon Kua patay sa holdaper

SA ulat ni PNoy sa bayan o yung tinatawag na State of the Nation Address, bumaba na umano nang todo ang krimen sa bansa.

Aba maganda yan.

Pero ano itong lumalabas na ulat ng mga biktima na baligtad ang nagaganap?

oOo

Itong grupo ni Teresita Ang See, sinasabing dumarami ang mga nakikidnap por ransom na kalahi nila.

May iba pang mga dayuhan na nakikidnap din gaya ng  na-rescue umano ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa Rizal.

Kidnap por ransom pa lang yan, Suki. Kaya todo reklamo ang grupo nito.

oOo

Ngayon nga, eh, nalungkot tayo nang mabalitaan nating pumanaw na si Nixon Kua.

Isang kolumnista o batang media itong si kumrad Nixon.

Dati siyang reporter ng Philippine Star at kolumnista siya ng Pilipino Star Ngayon.

Holdaper umano, Suki, ang dumale sa kanya.

At ginawa pa ang panghoholdap at pamamaril sa kanya at isa niyang kapatid sa loob mismo ng subdibisyon na may mga guwardiya sa Calamba, Laguna.

Nauna rito, may apat nang napatay na batang media simula noong Enero   ngayong taon.

Itong si Jay Ruiz naman, ng ABS-CBN, eh, nilimasan ng mga akyat-bahay sa kanilang bahay sa Quezon City.

Ang balita lang natin ay kinuha na ni Lord ang mga may gawa nito.

Yan ay kung totoo.

oOo

Maaaring yang tinutukoy ni PNoy na pagbaba ng krimen ay totoo. Pero paano kung kasinungalingan yan?

Hindi kaya nagpapapogi lang ang mga pulis kay PNoy?

Kung hindi naman, paano hindi bababa ang krimen kung lahat na yata ng mga alaga ng mga pulis na holdaper, isnatser at iba pa ay sinasalbeyds na lang kung marami na silang alam.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply