Krisis sa industriya ng saging pinangangambahan

PINANGANGAMBAHAN na maharap sa matinding krisis ang industriya ng saging sa bansa dahil sa pag-apaw ng supply nito bunsod na rin nang mahigpit na quarantine measures ng Beijing sa lahat ng saging na ipinapasok sa mga pier sa Tsina.

Ito ang sinabi ni Pilipino Banana Growers and Exporters’ Association (PBGEA) Executive Director Stephen Antig sa kanilang Convergence Briefing Session kasama ang Cavendish Banana Industry na ginanap sa Grand Men Seng Hotel, Davao City.

Ayon kay Antig patuloy pa rin silang nakaantanbay sa isang pier sa Tsina para mailabas ang malaking bilang ng mga saging mula sa Pilipinas na nasa 200 forty-footer na container vans.

Napag-alaman na sinubukan nang magpadala ang gobyerno ng Pilipinas ng contigent para remedyuhan ang problema na kinabibilangan ni DA Agribusiness and Marketing Director Leandro Gazmin na naglalayon  magsagawa ng trade mission sa iba pang potensiyal na bansang maaaring bagsakan ng ating mga saging.

Prospek ng gobyerno na mabagsakan ng mga saging ay ang mga bansa sa Europa, Dubai, United Arab Emirates, Iraq, Rome, Italy, at Brussels, Belgium ang ikalawang pinakamalaking global buyer at pangunahing global seller.

Subalit kahit na may mga bagong potensiyal na babagsakan ang ating mga produktong saging, nagbababala pa rin si PBGEA member Madel Dizon-Marfori sa mga opisyal ng pamahalaan, partikular sa Department of Agriculture (DA), na humaharap pa rin sa matinding pagsubok at banta ng pagka-wiped out ang mga plantasyon ng saging dahil sa Sigatoka disease.

Dahil dito, posibleng hindi maging sapat ang bilang ng nasabing prutas sa ating bansa sa oras na kakailanganin na natin ang malaking bulto ng supply ng saging na ihahatid sa mga bago nating parukyano na bansa.

Kaya naman napagkasunduan na magsusumite ng panukala ang PBGEA at ang Mindanao Banana Farmers and Exporters’ Association (MBFEA) na humihiling sa pamahalaan na suportahan ang pagkontrol sa Sigatoka disease at paglalaan ng iba pang inputs tulad ng fertilizers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply