Krisis sa tubig sa Metro Manila ibinabala

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng krisis ng tubig sa Metro Manila. Ito ang ibinabala ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chairman Ramon Alikpala sa pagdinig ng House Committee on Good Government.

Binanggit niya na mayroon umanong fault line na 200 metro lamang ang layo mula sa Angat Dam.

Nangangamba si Alikpala na sa sandaling masira ang Angat Dam na siyang nag-iisang source ng suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng krisis sa tubig.

Aniya, ito aang dahilan kung bakit pursigido ang MWSS na ituloy ang nakalinyang proyekto para sa rehabilitasyon ng Angat Dam na maaaring masimulan sa susunod na taon.

Sa nabanggit ding pagdinig ay inatasan ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang MWSS na pag-aaralang mabuti at maging transparent sa pagpapataw ng singil o dagdag singil sa tubig.

Sinabi rin ni Herrera-Dy na dapat siguruhin na naipasisiyasat sa Commission on Audit (COA) ang mga ipinapataw na singil sa mga consumers.

Pinagdududahan ni Herrera-Dy ang paliwanag ng mga kumpanya ng tubig na para sa rehabilitasyon ng mga proyekto mapupunta ang dagdag singil sa tubig.

Nais din ni Herrera-Dy na masiyasat ng Kamara ang rates ng MWSS upang maging malinaw kung paano ang bayaran sa mga singil at kung saan ito napupunta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply