Kudos sa BoC boss

MARAMI ang nagtaka sa pagkakasakote kamakailan ng mga ahente ng Bureau of Customs sa P42.5 million halaga ng smuggled rice sa Subic. Marahil, kaya nagulat ang maraming Juan dela Cruz ay dahil sa panahon lang ni BOC Comm. Ruffy Biazon nakahuhuli ng ganito kalaking halaga ng smuggled goods.

Naganap ang hulihan sa Subic Bay Freeport nang ang mga tauhan ni Biazon ay madiskubre ang 45,000 sako ng smuggled rice na nakalagay sa 90 40-footer container vans. Ang nasabing bigas ay mula sa Vietnam at ipinalulusot ng mga tiwaling negosyante na may kasapakat na BOC contacts nang masabat ng BOC agents.

Milyong halaga sana ang mawawala na naman sa kaban ng bansa kung ‘di ito nasakote ng mga alertong tauhan ni Biazon.

Pakiwari natin, eh, hindi lang smuggler-buster itong si Biazon at mga tauhan nito sa Task force REACT at Enforcement Group kundi drugbusters din. Akalain mo, matapos ang matagumpay na pag-kakasakote nila sa smuggled rice sa Subic, eh, sumunod naman ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa paliparan, nasakote ng kanyang mga ‘bataan’ ang miyembro ng international drug syndicate at nakakumpiska ng milyong halaga ng droga. Naaktuhan ng NAIA Customs operatives, grupo ni Customs District Commander Marlon Alameda at  TF-REACT NAIA Head A/SA III Byron Carbonell ang Singaporean national na si Danny Ng y Boon Eng, 32 anyos, habang tinatangkang maipuslit sa bansa ang may 3 kilong shabu (P15 million street value). Galing ang Singaporean sa Bangkok, Thailand.

Siyempre, ‘di magiging tagumpay ang drug busting operation na ito kung ‘di rin sa tulong ng mga tauhan ni Philippine Drugs Enforcement Authority chief ret. Gen. Jose Gutierez at magagaling na tauhan ng NAIA.

Sa panahon ng dalawang operasyon na iyan ay masungit ang panahon dahil sa ulan na dala ng bagyong Ferdie, pero ‘di iyan naging hadlang para magtrabaho ang mga tauhan ni Biazon, ayon sa nakausap ng Chokepoint na customs insider.

Mabuti na lamang at nasakote ang Thailander na yan, dahil  kung hindi, maraming kabataan ang madadale sa nasabing droga.

Okey na okey dahil ‘di lang pala smuggler-buster si Biazon kundi, isa rin palang drugbuster ang dating mambabatas. Sana’y dumami ang ‘Biazon’ sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino para naman ang minimithing pagbabago ay makamit na ng bansang Pinas.

Mabuhay ka Comm. Ruffy Biazon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply