Kung sila ang papalit sa Showbiz Central: Regine, Agot magkakantahan habang nang-iintriga?

FOR us, tama ‘yung nabasa naming item sa isang panghapong tabloid na dapat samahan ng mga reporter ang bagong showbiz oriented talk show na ipapalit ng GMA-7 sa kanilang tigbak ng Showbiz Central.

Kapag mga celebrity lang kasi ang ilalagay mo ay kulang at walang anghang ang show. Papano sila makakalaban niyan sa No.1 Sunday showbiz talk show na The Buzz na aming labs ni BFFT Pete A.? lalo na kung totoong sina Regine Velasquez at Agot Isidro ang hosts at ang tanging iri-retain lang nila sa original hosts ng SC ay si Jennylyn Mercado.

Aba! Pare-parehong singer ang mga ‘yan. ano ang gagawin nila? Magkakantahan sa ere habang nang-iintriga? Si Regine mukhang okey pa kasi tsismosa siya sa tunay na buhay at alam na alam niya ang mga latest chika.

Pero kay Agot parang hindi siya bagay sa ganitong uri ng show, noh? Mas maganda pa siguro kung isama n’yo uli si Raymond Gutierrez, tapos kunin n’yo ang serbisyo ng controversial sister ni Mon na si Ruffa Gutierrez.

Makikita n’yo, mas maganda ang magiging resulta. Of course, ang The Buzz hosted by Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga and Charlene Gonzales ay mahigit isang dekada na at sa tatag ng show ay hindi na sila kayang tibagin ninuman. Very-very much agree gyud!

***

Roof-A-Child at website sabay na ni-relaunch ni Ruffa G. sa kanyang b-day

SA ISANG sosyal na venue sa The Fort idinadaos ang re-launching ng Roof-A-Child Foundation at sariling website ni Ruffa Gutierrez. Say pa ng TV host/actress, matagal na raw niyang plano na magpatawag ng presscon para rito pero dahil naging busy siya sa kanyang mga schedule ay ngayon lang ito naganap.

Ang importante ay natuloy ang nasabing re-launching na dinaluhan ng entertainment press, bloggers at mga TV field reporter ng iba’t ibang networks including TV5.

Anyway, magko-concentrate na si Ruffa sa kanyang sariling foundation this time na merong logo at thrust para sa foundation.

Siyempre pa, goal niyang higit pang makatulong sa mga batang napabayaan na ng kanilang mga magulang na kanilang patatayuan ng bahay. Sa katunayan, sa kanyang birthday last month limang bahay ang kanyang ipinatayo, katuwang ang Habitat for Humanity at ilan sa mga kaibigan sa showbiz na sumuporta sa kanya maliban sa kanyang mga angel na sina Lorin at Venice.

Sila ay sina BB Gandanghari, Phoemela Barranda at Cristalle Belo. Ilang medical missions at feeding programs na rin ang naisagawa ng Roof-A-Child Foundation na ito ni Ruffa na this time ay mas magiging bigger at better pa. Open sila sa mga donations at para sa mga detalye maaari ninyong bisitahin ang website ng dating Ms. World 2nd Princess sa www.iloveruffag.com. Kumpara noong 1998 kung saan isa si Ruffa sa mga celebrity nagkaroon ng sariling website, this year sa muling pagbabalik niya sa social media ay nag-evolve na rin ang website niyang ito.

Ilan sa mga makikita n’yo rito ay ang biography ng inyong idolong magandang actress, mga personal at professional photos niya na kuha sa Instagrams, vacations, filmography, videos, Twitter feed, blog, and more. Sinisiguro ni Ruffa sa lahat ng kanyang supporters na hindi kayo mabo-bore sa kanyang website dahil up-dated lahat ng activities niya na makikita n’yo sa www.iloveruffag.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply