La Mesa Dam inilagay sa red alert status

INILAGAY na ng State hydrologists ang La Mesa Dam sa Quezon City sa red alert status kaninang umaga (Hulyo 23) dahil ang water level dito ay malapit nang umapaw.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang water level sa nasabing dam ay umabot na sa 79.52 meters kaninang alas-sais ng umaga.

“Sa ganoong level naka-status sa red alert ang warning ng La Mesa operations,” pahayag ni PAGASA hydrologist Gine Nievares.

Mas mataas ng kaunti ngayong araw (Lunes) ang water level sa 79.45 metro kahapon ng alas-sais ng umaga.

Sinabi ni Nievares na kapag umabot na ang water level sa 80.15 metro, ang naturang dam ay aapaw na at ang sobrang tubig ay dadaloy sa Tullahan River, na lubhang maaapektuhan ang Quezon City, Valenzuela, Malabon at Navotas.

Pero hindi aniya inaasahan na tatas pa ang water level ngayong araw sanhi ng pagbuti ng panahon.

“Kahit naka-red alert, naka-standby kami, tinitingnan natin, ‘di tumataas ang water level,” dagdag pa nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply