La Mesa Dam malapit ulit umapaw, red alert ikinasa

DAHIL malapit na naman sa spilling level na 80.15 meters, ikinasa ulit kaninang umaga (Hulyo 29) ang red alert sa La Mesa Dam sa Quezon City.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  na ang tubig sa La Mesa Dam ay umabot na sa 79.51 meters.

Ayon kay headworks manager Engineer Teddy Angeles na ang water level sa naturang dam ay umabot na sa 79.51 meters dakong alas  5 a.m.

Napansin din ng PAGASA na ang 79.51-meter level ay mas mataas sa 79.42 metro nitong Sabado.

Nito lamang nakaraang Hulyo 23, inilagay na rin ng PAGASA ang La Mesa Dam sa red alert noong Lunes ng umaga nang muntik nang umapaw ang tubig sa 79.52 meters.

“Sa ganoong water level naka-status sa red alert ang warning ng La Mesa operations,” pahayag ni PAGASA hydrologist Gine Nievares noong Hulyo 23.

Sinabi ni Nievares na kapag ang water level ay umabot na sa 80.15 metro, aapaw na ang naturang dam at ang tubig na mula rito ay dadaloy sa Tullahan River, na potensyal na maapektuhan ay ang Quezon City, Valenzuela, Malabon at Navotas Cities.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply