La Mesa Dam nasa red alert na; residente binalaan

INILAGAY na kaninang umaga sa red alert ang La Mesa Dam sa Quezon City sanhi ng patuloy na pag-ulan.

Dahil dito, inirekomenda na ng awtoridad ang paglilikas para sa mga resideteng nakatira malapit sa naturang dam.

Dakong alas-11:00 ng umaga nang isailalim ang red alert na naunang inilagay muna sa yellow alert dakong alas-5:00 ng madaling araw.

Ang water level sa dam ay tumaas sa 79.52 meters, na malapit na sa spilling level na 80.15 meters.

Sinabi ni Eng. Teddy Angeles, La Mesa Dam’s headworks manager na inirekomenda na niya agad ang
pagliilkas sa mga residente malapit sa Tullahan River.

Binalaan na rin ni Angeles ang mga residente ng Fairview sa Quezon City at ang lungsod ng Malabon at Valenzuela sa mga mangyayaring pagbaha.

Samantala, binuksan na ng management ng Ipo Dam sa Bulacan province ang kanilang dalawang gate para magpakawala ng tubig.

Umabot ang water level ng naturang dam sa 101.75 meters, na mas mataas sa normal water level na 100.5 meters.

Inalerto naman agad ng Ipo Dam ang local government units sa Norzagaray, San Rafael, Bustos, Baliuag, Plaridel, Angat at sa Calumpit, bago pa nagpakawala ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply