Labi ni Dolphy idinaan sa bahay nila ni Zsa Zsa

IDINAAN muna ang labi ni Comedy King Dolphy sa kanilang bahay sa Marina Bay Subdivision sa Pasay City mula sa Heritage Park sa Taguig.

Matatandaan na habang nasa nasa itensive care unit ng Makati Medical Center ay laging hinihiling ng Hari ng Komedya na nais na nitong umuwi.

Nakatakda namang dalhin ang labi ng Hari ng Komedya sa Dolphy Theater ng ABS-CBN sa Quezon City mamaya.

Dakong alas-6:00 ng gabi, magkakasa ng necrological mass para kay Pidol at sa ganap na alas-9:00 ng gabi ay bubuksan ang burol sa public viewing.

Ibabalik si Pidol sa Heritage para sa ilang araw na pagburol at bukas naman ay bubuksan ulit sa publiko ang burol para sa huling pagkakataon ay masilayan siya ng kanyang mga tagahanga at malalapit na kaibigan.

Samantala, nauna nang dumalaw kaninang umaga si Manila Mayor Alfredo Lim sa Heritage upang makita ang labi ng namayapang kaibigan.

Ayon kay Lim, ang kanyang kaibigan ay nakasuot ng all white tuxedo suite at maging ang ataul nito ay puti rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply