Lady guard todas sa binasted na manliligaw

SABOG ang ulo ng isang lady guard nang barilin ng binasted nitong manliigaw sa Quezon City kagabi (Hulyo 24).

Nagtamo ng isang tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa likod ng ulo ang hindi pa nakikilalang biktima na nakasuot pa ng uniporme ng security guard.

Kaswal lang na naglakad palayo sa lugar ng pinangyarihan ang suspek na sinasabing masugid na manliligaw ng biktima. Hinahanting na ito ngayon para panagutin sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente sa tapat mismo ng Novaliches public market sa Quirino Highway sa Q.C.

Bago ito, nasa kanyang puwesto sa tapat ng nasabing palengke ang biktima nang biglang lapitan ng suspek at malapitang binaril sa may batok.

Ayon sa pagsisiyasat ni P02 Ricky Pittong, ng QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nabatid niyang laging sinusundo ng suspek ang nililigawang biktima.

Pero ilang araw itong hindi nakikitang sumusundo at napag-alaman sa imbestigasyon na kaya tumigil na ito sa panunuyo ay dahil binasted na ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply