Lalaki nagbigti dahil sa pag-ibig

NAGBIGTI ang isang 21-anyos na lalaki matapos hindi makayanan ang problema sa pag-ibig sa Quezon City, kagabi (Hulyo 27).

Hindi na umabot ng buhay ang biktima na si Odie Raborar, binata, residente ng Group 6, Samar Street, Barangay Payatas B, QC, sa Fairview General Hospital.

Ayon kay PO1 Jayson Tolentino ng Quezon City Police District station 6 Batasan, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay dakong 9:40 kagabi.

Sinabi sa ulat na natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay na nakasabit sa bakal na bintana at nakapulupot sa leeg nito ang isang long sleeve shirt na kulay itim.

Ayon sa mga kaanak ng biktima may dalawang linggo nang namomroblema ang biktima dahil sa kanyang girlfriend.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid ang dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply