Lalaki, nalunod habang naliligo sa Manila Bay

BANGKAY na nang matagpuan ang katawan ng  isang lalaki  sa baybayin sakop ng Manila Bay kaninang umaga (July 9).

Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 5’7, payat nag pangangatawan, bagong tubo ang bigote at nakasuot ng kulay puting t-shirt na may tatak na “green cross rubbing alcohol” at maong na pantalon.

Ayon kay PO3 Amelito Lopez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:30 ng umaga nang nadiskubreng nakalutang ang katawan ng biktima sa tubig ng Manila Bay sa likod ng Maynilad compound, Road 10, Pier 18, Vitas, Tondo.

Isang Vicente Urbano, 53, isang beautician, ang nakakita umano sa bangkay ng biktima habang naglalakad ito sa lugar dahilan upang ipagbigay alam sa kanilang barangay na siyang nagreport sa pulisya.

Ayon pa kay Lopez, ilang mga residente sa lugar umano ang nakakita sa biktima na naliligo ganap na alas 2:00 kahapon ng hapon kaya hinihinalang nalunod ito .

Gayunman, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya  sa pagkamatay ng biktima .

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral parlor para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply