Lalaki niratrat ng riding in tandem patay

TODAS ang isang lalaki matapos itong ratratin ng hindi pa nakikilang riding in tandem habang ang una ay nag-aabang ng masasakyan sa Camarin, Caloocan City.

Dead on spot si Jun Mañoza, y Bolfanso, 40, may asawa, ng Little Baguio Brgy. 176 Camarin ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong apat ng bala ng kalibre 45  sa ulo, sa puson, sa paa at sa tiyan .

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng gate away motorsiklo na hindi na  plakahan.

Ayon sa ulat, dakong alas 6:00 ng hapon ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Crispol street sa nasabing barangay.

Nabatid, nag-aantay ng masasakyan ang biktima ng biglang lapitan ng riding in tandem at walang sabi sabi agad nagbunot ng kalibre 45 baril ang suspek at apat ba beses pinaputukan ng malapitan na naging sanhi ng daglian ikinamatay.

Nakarekober ang mga otoridad ng apat na basyo ng kalibre 45 sa pinangyarihan na ginamit sa krimen.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply