Lalaki patay sa sunog

HALOS hindi na makilala ang sunog na sunog na bangkay ng isang 51-anyos na lalaki nang matagpuan sa basement ng naabo nilang tirahan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Marcelino Sobrevega, 51 na natagpuan sa basement ng nasunog nilang tirahan sa kanto ng 4th St. at 9th St. Villamor kahapon na ng umaga matapos sumiklab ang sunog dakong alas-11:25 kamakalawa ng gabi.

Sa tinanggap na ulat ni Pasay City Fire Marshall Douglas Guiab, posibleng mahimbing umano ang naging tulog ng biktima dahil galing ito sa pakikipag-inuman kaya’t hindi na nagawang makalabas ng kanilang bahay nang sumiklab ang apoy.

Bukod sa bahay ng pamilya Sobrevega, nadamay din sa sunog ang dalawa pang katabing bahay na gawa sa kahoy bago tuluyang naapula dakong ala-1 ng madaling araw.

Tinataya namang aabot sa mahigit P300,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy na hinihinalang nagmula sa naiwanang kandila sa ibabaw ng altar sa bahay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply