Lalaki timbog sa pekeng gold bars

DINAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang construction worker na umano’y nagbebenta ng mga pekeng gold bar makaraang makapanloko ng businesswoman sa Zambales.

Kinilala ang nadakip na si Domingo Villanueva Salazar, 42, foreman ng Barangay Salaza, Palauig, Zambales.

Naaresto ag suspek sa ikinasang entrapment operation ng NBI sa isang fast food chain sa Zambales nitong Hulyo 9.

Batay sa ulat ng NBI, ang biktima na nakilalang si Rosalyn Belarga ay ipinakilala ng isang common friend kay Salazar.

Batay sa reklamo ng biktima niloko, binentahan siya ng suspek ng pekeng gold bars noong Mayo.

Anang biktima, sa umpisa ay totoong gold bar ang ipinakita sa kanya ng suspek dahil ipasuri nila sa isang pawnshop. Dahil dito, nakumbinsi si Belarga at binili ang ginto. Hiningan siya ng ng halagang P100,000 bilang kabayaran sa pekeng ginto.

Ngunit nang ipasuri muli ang biniling ginto upang maibenta sa mas mataas na halaga, ay lumabas na peke pala ito.

Dahil dito,kinompronta niya ang suspek ngunit giit nito na makukuha lamang ng biktima ang tunay ng god bars kapag nagbigay ito ng halagang kalahating milyon (P500,000).

Bunsod nito agad na nakipag-ugnayan ang biktima sa NBI upang maaresto ang suspek sa isang entrapment operation.

Nahaharap sa kasong estafa ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply