Lalaking biktima ng salvage, natagpuan sa Navotas

ISANG hindi pa nakikilalang lalaki na burdado ng tattoo at  hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan ng mga awtoridad na nakahandusay at wala ng buhay sa kahabaan ng Road 10 Northbay Boulevard, South Navotas City kaninang madaling araw.

Nabatid kay Supt. Florendo Quebuyen, hepe ng Navotas police, ang biktima ay makikilala lamang sa kanyang burdadong tattoo sa katawan habang nakasuot ng kulay itim na t-sirt, light cream na short pant.

Maliban sa damit agad makikilala ang biktima sanhi ng mga tattoo nito sa kanang dibdib ng “Jerry Salvador”, sa kaliwa ay isang bungo na may nakasulat na ‘mayor’ habang nakasulat naman sa kanang braso ay Revulta, Clark, Ricky, Jerom, at Dela Cruz. Sa kaliwang braso naman ay nakasulat na Don Pablo, Jacang Ronz, Roberto Bahala na gang Liza, Papalao, Bong Acosta, at sa leeg ay nakaukit naman ang F. Fummes.

Ayon sa imbestigasyon ni P02 Edgar Valera ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, dakong alas 5:00 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, ang biktima na may tama ng dalawang malalim na saksak sa dibdib habang napuluputan ng tali ang leeg ay pinatay sa ibang lugar at saka itinapon sa kahabaan ng Road 10 para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo at saan nakatira ang biktima.

Ang bangkay ng biktima ay nasa pag iingat ng Eusebio Funeral homes sa Malabon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply