Laos na talaga at mukhang maysakit sa kidney!

LAOS na bang talaga ang Total Performer na si Rico J. Puno? Well, mas mabuti-buti pa naman ang kanyang career ngayon compared to Victor Wood na naturingangang Jukebox King noong dekada 70 at buong ningning na tiningala ng sambayanan pero ngayon ay pinandidirihan na ng mga show promoter at record and movie producers.

Kasi ba naman, pinabayaan ni Tito Victor ang kanyang sarili. Hindi naman porke’t disappointed at depressed siya sa sinapit ng career ay magpapabaya na. Ngayon, ano ang napala niya? Hayun puro pagdurusa ang nangyayari sa buhay niya.

Si Rico naman, kahit papano, may mga shows pa. Ang masaklap lang, ‘yung kaisa-isa nitong endosement na food supplement na gamot sa kidney, lahat ng billboard niya rito partikular na sa Edsa, ay tinanggal na. Papano, maliban sa hindi siguro naging effective na endorser ang nasabing beteranong singer, hindi pa kagandahan ang litrato nito sa billboard kung saan naninilaw ang kanyang balat at mapagkakamalan mo na mas mukha pa siyang may sakit sa kidney. (Hahahahahaha! Kalukring naman yan, teh! _ Ed) Sino ba namang tanga ang bibili ng food supplement na ito kung ganyan ang endorser n’yo? Kumuha kayo ng kasing age nga ni Rico pero ‘yung healthy naman ang dating. Loud and clear gyud!

***

‘The Buzz’ may tribute kay Tito Dolphy

TULAD ng top-rating na Showbiz Inside Report hosted by Ms. Janice de Belen, Carmina Villaruel, Joey Marquez at Ogie Diaz kung saan alay nila ngayon ang buong show nila sa Nag-iisang Hari ng Komedya na si Tito Dolphy, bukas, halos kalahati ng oras ng The Buzz ay ibibigay din sa Hari ng Komedya.

Handog ito ng No.1 Sunday Showbiz Talk Show sa lahat ng mga tagahanga ni Tito Dolphy all over the archipelago. Yes, may mga exclusive interview sina Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales sa mga anak ng nasabing pillar sa larangan ng komedya. May footages rin para sa huling silip at paghatid sa huling hantungan kay Pidol sa Heritage Park.

Kaya sa mga young generation at mga oldies, para higit pa ninyong makilala si Tito Dolphy, huwag ninyong palalampasin ang panonood mamaya sa The Buzz simula 4:00 pm hanggang 6:30 pm pagkatapos ng LUV U sa Kapamilya Network. Onat Diaz is directing The Buzz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply