Lasing nahulog sa creek, tigok

PATAY ang hindi pa kilalang lasing nang malunod matapos na mahulog sa creek sa Malabon City kagabi (Hulyo 30).

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang biktima na tinatayang nasa nasa edad 45 hanggang 50, nakasuot ng itim na T-shit at maong na shorts.

Base sa ulat, dakong alas-6:30 kagabi, lasing na at paikot-ikot ang biktima sa gilid ng creek sa Lapu-Lapu Avenue, Longos ng lungsod hanggang sa tumungga pa ng alak.

Nang malasing ay nahiga ang biktima sa gilid ng creek subalit nahulog at nagkakawag.

Nagawa namang maiahon ng mga nakatambay sa nasabing lugar ang biktima at madala sa PLM ngunit hindi na ito naisalba.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply