Law student na namatay sa hazing, inawtopsiya

ISINAILAIM ng Philippine National Police sa awtopsiya ang bangkay ng isang first year law student ng San Beda College na namatay noong nakaraang Lunes ng gabi sanhi ng hazing.

Dinala ang bangkay ng biktimang si Marc Andrei Marcos, 22-anyos, sa PNP Crime Laboratory dakong alas 9 p.m. nitong nakaraang lunes.

Sa pahayag ng mga funeral parlor workers na nagdala sa bangkay sa PNP Crime Laboratory, ang binti at braso  ni Marcos ay maraming pasa o “discolored.”

Sa kabilang dako, nadismaya naman ang pamilya ni Marcos nang malaman nilang sasali ito sa isang fraternity, at sinabing tinangka nilang pigilan ito.

Gayunman, umaasa sila na sa ikakasang pag-awatopsiya at malalaman angsanhi ng pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Sa inisyal na ulat, dinala si Marcos sa isang ospital sa Dasmariñas sa Cavite pero namatay ito sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa pumasok na entrada sa Facebook page ng San Beda College of Law-Law Student Government, kinumpirma na naratay si Marcos sa DLSU Medical Center sa Dasmariñas, Cavite, “pero namatay ito.”

“We are also in coordination with the Administration to find out which fraternity is behind this heinous crime. Violence will never be tolerated by this Law School. San Beda will fully cooperate with the investigation and rest assured that everything is being done to see that justice is served.”

Nitong nakaraang Pebrero, nangako ang law student government na makikipag-koordinasyon sa pagkamataya ng isa pang hazing victim, na si San Beda law student na si Marvin Reglos.

“The administration of the San Beda College of Law and the Law Student Government have already constituted a committee to conduct the investigation of the administrative aspect. We will fully cooperate in the investigation of the NBI and PNP.”

Namatay si Reglos habang isinasailalim sa hazing rites ng Lambda Rho Beta fraternity sa Antipolo City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply