Law student patay sa ‘hazing’

NAMATAY ang isang first year Law student sa San Beda College dahil umano sa hazing sa Cavite kaninang madaling araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa De La Salle University Medical Center (UMC) ang 20-anyos na si Mark Andrei Marcos makaraang magtamo ng mga pasa sa likod, braso at hita.

Base sa pahayag ng tiyuhin ng biktima na kinilalang si Atty. Jose Vener Ibarra, nagpaalam ang biktima na gagawa lamang ng project noong Sabado ngunit hindi na ito umuwi at hindi rin makontak.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2:00 ng madaling araw kanina nang maganap ang hazing sa isang lugar sa naturang lungsod.

Nasa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na ang bangkay ni Marcos upang na isasailalim sa autopsy.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply