Water level sa Ipo, La Mesa dam mataas na

NAKAALARMA na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil tumataas na ang lebel ng tubig sa Ipo at La Mesa Dam.

Batay sa situation report ng NDRRMC, umabot na sa 100.82 meters ang lebel na tubig sa Ipo Dam, mas mataas sa spilling level nito na 100.2 meters.

Nakabukas naman ang apat na flood gate sa Rosario-Junction Riverway dahil nasa 12.45 meters na ang tubig habang nasa 13.8 meters naman ang spilling level nito.

Nasa 79.32 meters naman ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam malapit sa spilling level nito na 80.15 meters.

Nagbabala na rin ang NDRRMC sa mga residente sa paligid ng mga dam sa posibleng pagbaha sakaling magpakawala ng tubig ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply