Legal clusters ng Chacha saka na pag-aralan-PNoy

HINDI natinag ang Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang posisyon na isantabi ang Charter Change (cha-cha).

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na bagama’t “no way” sa Pangulong Aquino ang chacha ay bukas naman ito sa suhestiyon nina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Sonny Belmonte na hihimayin naman ng economic at legal clusters.

“I stated my opposition but we agreed to have the underlying basis studied by the economic and legal clusters with private sector participation upon the suggestions of both the Senate President and the Speaker,” ayon sa kalatas ni Pangulong Aquino na binasa ni Sec. Lacierda.

Nagpulong sina Pangulong Aquino, Senate President Enrile at House Speaker Belmonte ukol sa chacha kung saan ayon kay Sec. Lacierda ay naging maayos naman ang naturang pulong ng mga ito.

“Primarily to lay out what are justifications that convinced the Senate President and the Speaker from advocating Cha Cha and that’s about it. That’s just a study.  And this is upon the recommendation of the Speaker and the Senate President,” ani Lacierda.

Nilinaw ng opisyal na ang gagawing pag-aaral ng economic at legal clusters ay hindi lamang naglalayon na alamin kung may pangangailangan na amyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas kundi ang “The group is supposed to study the underlying basis.

That’s the exact words of the President. As to what they are, let’s leave it to the group to formulate whatever study that they will come up with; what will be the substance of the study.”

Sinabi pa rin ni Lacierda na kailangan munang malaman ang resulta ng pag-aaral bago pa sabihin na maaaring magbago ang posisyon ng Pangulong Aquino ukol sa chacha.

Malinaw naman aniya ang mensahe ng Pangulong Aquino hinggil sa ChaCha kaya’t pumayag nga ang Punong Ehekutibo na magkaroon ng pulong kasama sina Enrile at Belmonte.

“Well, I supposed that he’s sending a message to the Speaker and the Senate President. And at least they heard straight from the President that he is opposed to any amendment for now.

But since the Speaker and the Senate President suggested why don’t we study the underlying basis, the President said he agreed to have them studied. But, beyond that, I have no… I cannot venture an opinion whether that study will yield to what conclusion and what actions will the President take on those conclusions,” ayon kay Sec. Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply