Lending company pinasok: 2 todas

DALAWA ang patay makaraag pasukin ng dalawang armadong lalaki ang isang lending company sa Malate, Maynila.

Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Manila Police District at dalawang lalaki na kalaunan ay tumimbuwang.

Ayon sa report ng pulisya, ang isa dalawag napatay na suspek ay tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 taong gulang habang ang isa ay nasa 40 hanggang 45 anyos.

Sa panig ng mga awtoridad, nasugatan si PO3 Hansel Dineros na tauhan ni P/Supt. Wynn Marcos , Station Commander ng MPD-Malate Police Station 9.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Gerardo Rivera kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 3:00 ng hapon nang makipagpalitan ng putok sina PO2 Emmanuel Lapuz, PO2 Charlie Ulanday, SPO1 Robert Zapata at si PO3 Dineros ng MPD-Anti-Crime Unit, nang mamataan ang isang kulay puting L-300 na van na lulan ng dalawang hinihinalang sekyu sa panulukan ng Zobel Roxas at Alfonzo St., sa Malate at dito na naganap ang palitan ng putok, hanggang sa magresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Una na umanong sinabi ng isang abogado ng PJH Lending Company sa panulukan ng Vito Cruz at Taft Avenue sa Malate, na wala umanong naganap na holdapan matapos pasukin ng mga armadong lalaki at sapilitang tinangay ang isang Armand Avenido, manager at tatlong security guard ng kompanya.

Nakasakay sa kulay asul na Vesta Van at L-300 na puti (TEC-575) ang kinalulunanan ng mga suspek.

Nabatid sa report ng pulisya, nabawi na ng mga tauhan ng Makati Police District ang manager na si Avenido at ang mga sekyu na isinama ng mga suspek.

Una ring napaulat na nilooban ang nasabing lending company matapos makatanggap ng report ang nasabing himpilan ng pulisya, subalit pinabulanan ito ng isang abogado ng kompanya, maliban sa sapilitang pagtangay sa kanilang manager at tatlong sekyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply