Libreng entrance exam sa kolehiyo isinusulong

MALAPIT nang maaprubahan sa House Committee on Higher and Technical Education ang panukalang batas na maglilibre sa mga mahihirap na estudyante sa pagbabayad ng entrance fee sa kolehiyo.

Sa isinagawang pagdinig, napagkasunduan ang pagbuo ng consolidated version ng House Bill 6262 ni Aurora Representative Edgardo Angara at House Bill 5186 ni Taguig Congressman Sigfrido Tinga.

Layunin ng dalawang panukala na malibre sa pagbabayad ng fee para sa entrance exam ang mga karapat-dapat na nagsipagtapos sa high school.

Sinuportahan naman ng iba pang mga kongresista ng Commission on Higher Education (CHED) at mga pribadong paaralan ang panukala ng mga nabanggit mambabatas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply