Lider ng big time drug trafficker timbog

ISANG Chinese national na lider ng  big-time drug syndicate ang nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang operasyon noong Miyerkules, July 18, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling si Mark Tan, alyas Ronghao Chen, lider ng malaking sindikato ng iligal na droga  sa bansa na nag-o-operate sa Binondo.

Nabatid na ginagamit ni Tan ang kanyang sariling bank account tuwing tumatanggap ng bayad sa kanyang iligal na transaksiyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Si Tan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinigay ng mga operatiba ng PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) sa isang lugar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos positibong kilalanin ng impormante.

Ayon kay Gutierrez, nagawang matakasan ni Tan  ang isinagawang buy-bust operation na inilunsad ng PDEA sa Timog Avenue, Quezon City noong nakaraang February 2, 2012 ngunit nadakip dito ang isa sa tauhan ni Tan na si Clarence Chen Go, alias Tony Go na inamin naman na  kanyang  big boss si Mark Tan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply