Life hatol sa rapist ng nursing student

HABANG BUHAY na pagkakakulong o reclusion perpetua ang ginawad na kaparusahan sa isang lalaki na gumahasa at pumatay sa kapitbahay niya na gruduating student ng nursing noong 2005 sa Quezon

Guilty sa kasong rape with homicide ang naging hatol ni  QC Regional Trial Court RTC Branch 221 Judge Jenny Gapat kay Kim Ouhano.

Napag-alaman na noong May 27, 2005 nang  matuklasan ang wala nang buhay na si Margaret Grespo, 24, sa tinutuluyang bahay sa Fairview, Quezon City

Noong una, blangko ang awtoridad kung sino ang salarin sa panggagahasa sa biktima subalit dahil sa ginawang pakikiusyoso ni Ouhano sa lugar ng krimen ang naging daan upang gawin itong suspek.

Nabatid na habang nakikiusyoso si Ouhano sa ginawang krimen ay may napansin ng pulis ang puro kalmot at pasa nito sa katawan na siyang naging dahilan upang maghinala ang pulisya na  posibleng may kinalaman ito sa krimen.

Agad na inimbitahan ng pulisya si Ouhano upang sumailalim sa imbestigasyon na kung saan nagawang isailalim sa DNA test ang kuko ng biktima at nag-match  ito sa dugo ng suspek.

Tumugma din ang nakalap na mga fingerprints ng pulisya sa lugar ng krimen sa fingerprints ni Ouhano.

Bukod dito, lalo pang tumibay ang ebidensya ng korte laban kay Ouhano nang kapanayamin ito ng  reporter ng isang malaking TV network at aminin ang ginawang krimen.

Maliban sa pagkakakulong ng habang buhay ay pinagbabayad din si Ouhano ng P450, 000.00 bilang  danyos.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply