Limang tulak shoot sa kulungan

HIMAS-REHAS ngayon ang limang kilalang tulak ng iligal na droga makaraang maaresto sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Camarines Sur, kagabi (Hulyo 3).

Kinilala ang mga nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sina Rodrigo Pacion, Arturo Palmes at Bayani Ojeda (taxi driver) na unang nadakip sa Naga City na nakumpiskahan ng isang sachet (medium size) ng hinhinalang shabu.

Sunod namang naaresto sa bayan ng Pili sina Usup Salmo Badawe at Jerry Salmo, pawang taga-Maguindanao. Nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply