Lineman nalaglag sa posteng sinuyod ng trak, kritikal

NASA kritikal na kondisyon sa isang pagamutan ang isang lineman ng Meralco makaraang mahulog sa kinukumpuning poste matapos sumabit ang isang linya ng Mralco at telepono sa rumaragasang trailer truck sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kaninang umaga.

Inoobserbahan pa sa intensive care unit ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Filrendon Rendon, 25 anyos at residente sa Lungsod Quezon bunga umano sa pagkakabagok ng kanyang ulo sa kongkretong kalsada sa lugar.

Ayon sa kanyang Engineer na si Tosp Peregrino, nangyari ang insidente pasado alas-9:45 ng umaga habang nagkukumpuni sa isang poste ng Meralco ang biktima sa tapat ng Land Bank   at Flying V gas station sa Philcoa, Brgy. Commonwealth.

Batay sa ulat, nasa poste noon ang biktima at kinukumpuni ang linya nito nang biglang sumabit sa rumaragasang trailer truck (PUK-347 ) ang linya ng kuryente.

May kasunod pa umanong isang truck (CLC-170 ) na sumabit din at tuluyang nakaputol sa linya na ikinadamay din ng linya ng BayanTel hanggang sa yumukod umano ang poste at  nawalan ng balanse ang biktima at nalaglag.

Pansamantalang pinigil ng Traffic Sector 5 ang nasabing truck habang hinihintay pa nila ng sumuko ang driver ng naunang truck na nakasabit sa linya at papanagutin sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply