Listahan ng brand ng helmet na aprub ng DTI ilalabas

MAGLALABAS na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa susunod na linggo ng listahan ng mga tatak ng helmet na pumasa sa safety standards ng pamahalaan.

Ayon kay Trade Usec. Zenaida Maglaya, ang ipapaskil na listahan ay upang maiwasan ang pagbebenta ng mga helmet na hindi nakapasa sa Import Commodity Clearance (ICC).

Sinabi din ni Maglaya na titiyakin din ng kanilang ahensya na hindi mapepeke ang mga ICC sticker na nakakabit sa helmet.

Samantala, ipinahayag naman ng Land Transportation Office (LTO) na sa susunod na taon pa ang nakatakdang implementasyon ng Motorcycle Helmet Law at hindi sa Agosto 1.

Sinabi ni LTO Metro Manila Head Teofilo Guadiz III na ipatutupad ang Motorcycle Helmet Law sa Enero ng susunod na taon dahil sa inaayos pa aniya ang implementing rules at guidelines (IRR) ukol dito.

Sinabi ni Guadiz na may mahaba-haba pang panahon ang mga nagmomotorsiklo para makapagpalagay ng ICC sticker o makabili ng mga bagong helmet na aprubado ng Department of Trade and Industry.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply