Live fire exercises ng RP-US navy, ‘di para sa Scarborough standoff

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Navy at ng mga kinatawan ng US Armed Forces na kasama sa Isinasagawang joing military live fire exercises sa karagatan sakop ngh Mindnao ay walang kinalaman sa paghahanda  sa sigalot ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.

Ayon sa Philippine Navy spokesman Lt. Col. Omar Tonsay, hindi paghahanda sa anumang standoff sa teritoryo ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal, ang pagdatingan ng mga barko ng Amerika sa nasabing karagatan.

Depensa ni Tonsay, bahagi lamang ito ng unilateral at bilateral coordination ng dalawang bansa.

Nabatid na bukod dito, nabulabog din sa nagaganap na war exercise ang mga bandido at mga piratang grupo na naglalayag sa karagatan na base sa pahayag ng mga mangingisda mula sa Sarrangani province.

Nabatid na 18 uri ng barko ang bubuo sa 10 araw na naval exercises ng American at Philippine Navy.

Samantala, naging maaksyon ang isinagawang small boat riverine training ng US at Philippine Navy sa Sarangani bay.

Ayon kay CARAT 12 exercise director at Navy Capt. Robert Empedrad, nilahukan ng small boats ng US at Philippine Navy ang nasabing training para masukat ang kakayahan sa iba’t ibang sea manuever.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang boat formation at nagpabilisan sa small boats.

Sinabi ni Empedrad na kailangan talaga ang karagdagang kaalaman at training ng Philippine Navy para mapalakas ang kakayahan ng mga tropa.

Ang nasabing training ay isang magandang pagkakaton para maipasa ng mga US forces ang kanilang expertise sa Philippine Navy at ganon din sa tropa ng Pilipinas na maibahagi ang kanilang kaalaman.

Malaking tulong umano sa Philippine Navy ang nasabing training para magamit ang mga pamamaraan para magtagumpay laban sa mga kaaway sa dagat.

Una rito, inamin ng fishing sector sa GenSan na malaking tulong ang nasabing training laban sa mga pirata.

Napag-alaman na bukas, inaasahan ang live fire drill ng US at Philippine Navy sa Mindanao sea.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply