Local officials sa ARMM pinalalayas ni Drilon

PINALALAYAS ni Senador Franklin Drilon ang mga lokal na opisyal sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mga registration center upang hindi makialam sa ipinatutupad na electoral reforms sa rehiyon.

Kasunod ito ng mga ulat kay Drilon na minamanipula muli ng ilang pulitiko sa ARMM ang pagpaparehistro ng mga botante upang matiyak ang pananatili nila sa posisyon.

Ang sinasabing manipulasyon ay nasaksihan umano ni Comelec Chairman Sixto Brillantes at mga opisyal ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting nang makita ng mga ito na maging ang mga menor de edad ay nagpaparehistro kasabwat ang ilang lokal na opisyal sa ARMM.

Dahil dito, hiniling ni Drilon sa Comelec na busisiin ang mga nagpaparehistro at alisin ang pangalan ng mga menor de edad at mga double registrant.

Si Drilon ang may-akda ng batas para pagsabayin ang ARMM election sa national election at ang pagbasura sa voters’ list sa rehiyon na nagbigay-daan para sa panibagong voters’ registration upang mabura ang impresyon na ito ang cheating capital ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply