Lola, 1 pa timbog sa illegal drugs

NADAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lola na pumalit na lider ng kilabot na drug group sa Central Visayas at kasama nitong babae sa isinagawang buy-bust operation sa Toledo City, Cebu nitong Huloy 21.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang mga suspek na sina Virginia Jareño, 62-anyos, lider ng Jareño Drug Group; at Cyril Sanchez, 39-anyos, nasa drug watch-list. Ang dalawa ay kapwa residente sa Barangay Matab-ang, Toledo City, Cebu.

Sinasabing si Jareño ang bagong lider ng Jareño Drug Group, na minsang pinamunuan ng kanyang anak na si Jay Jareño alias “Dean,” na nadakip ng mga ahente ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO 7) sa isang buy-bust operation noong Hulyo 23, 2011.

Nauna rito, nakipagkasundo sina Jarevo at Sanchez sa bentahan ng shabu sa isang poseur buyer ng PDEA sa Brgay. Matab-ang, Toledo City.

Nang magkaabutan na ay dinakma ng mga tauhan ni Dir. Jigger Montallana ng PDEA RO7 ang dalawa at binitbit sa himpilan ng pulisya.

Pansamantalang nakapiit sa PDEA RO7 Detention Facility ang dalawa habang inihahanda na ang kasong isasampa sa piskalya kaugnay na paglabag sa Section 26 (Conspiracy) in relation to Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply