Lola lasog sa bus sa Maynila

LASOG ang katawan at wasak ang mukha ng isang 65-anyos na lola, matapos masagasaan ng rumaragasang bus habang tumatawid sa kalye bitbit ang inilalakong Sampaguita sakop ng Sampaloc, Manynila kanina.

Nakilala ang biktimang si lola Pacita Romero aka “Mameng” na umano’y nakatira sa hindi kalayuan sa lugar ng pinagyarihang insidente.\

Nasa kustodiya na ng Manila Police District- Traffic Enforcement Unit ang tsuper na nakilalang si Alfonzo Sullestre Jr., ng Raymond Bus Transport.

Batay sa ulat na isinumite ni SPO4 Omar Maborrang kay P/Supt. Reynaldo Nava, ng Traffic Bureau, dakong 1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa A.H. Lacson Avenue, malapit sa terminal ng Raymond Bus Transport na sakop ng Sampaloc.

Nabatid na papatawid na noon si Lola Mameng, bitbit ang inilalako nang masagasaan ito ng bus na papasok umano sa terminal.

Nakuha ang bangkay ng lola sa pagitan ng gulong sa harapan at sa likurang bahagi bus.

Kusang loob namang sumuko ang drayber sa mga awtoridad at nakatakda itong sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply