Lola lumaklak ng toilet bowl cleaner tigok

PATAY agad ang isang lola matapos lumaklak ng toilet bowl cleaner dahil sa sama ng loob nang aksidenteng masaksak ang kanyang dalawang taong gulang na apo sa Aklan, sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa ulat, nakita na lamang ng pamilya ng hindi pinangalanang lola, 64-anyos ang wala nang buhay na katawan nito sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Linabuan Norte, Banga, Aklan.

Habang nakahandusay sa kuwarto ay bumubula ang bibig ng matanda kung saan nakuha ang isang plastic bottle ng toilet bowl cleaner sa kanyang tabi na wala nang laman.

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

Sa pahayag ng pamilya ng matanda, sumama ang loob nito nang nasaksak ang kanyang sariling apo na natamaan sa kamay matapos atakehin ng kanyang nervous breakdown.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply