Lola nabudol-budol: P1M cash, alahas nasikwat

UMAABOT sa mahigit na P1 milyon halaga ng cash at assorted jewelries ang natangay sa isang lolang  balo nang malansi ito ng grupo ng Budol-Budol sa Sampaloc, Maynila.

Personal na dumulog ngayon sa MPD-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktima na si Ginang Anita Guererro, 75, balo, ng Honradez St., Sampaloc, Maynila.

Sa reklamo ng biktima kay SPO2 John Cayetano, isang babae na nagpakilalang Ling Lim, tinatayang nasa edad na 50-60, maputi, may maiksing buhok na kulay blonde,may taas na 5”0 at katamtaman ang pangangatawan, ang lumapit sa kanya at tila nagtatanga-tangahan habang naglalakad ito malapit sa kanilang bahay.

Habang kausap ng biktima ang babae ay sumulpot naman ang isa pang babae at lalaki na umano’y mag-asawa kung saan ang babae ay nagpakilala namang si Mila de Guzman.

Pinakitaan umano ng mga suspek ang biktima ng halagang P650,000 pera na nakalagay sa isang bag at sinabing kikita rin ito ng malaki kapag ibinigay ang kanyang alahas at pera.

Dahil nagka-interes ang biktima ay pumayag ito at kinuha lahat ang kanyang mga pera at alahas na umaabot sa halagang mahigit isang milyon saka ibinigay sa mga suspek.

Nang makuha ang pakay ng mga suspek ay agad ding umalis kung saan nag-aabang sa kanila ang dalawa pang suspek na lalaki na lulan ng sasakyan.

Huli na rin nang matuklasan ni Guererro na nabiktima siya ng Budol-budol  nang madiskubreng mga peke at papel lamang ang laman ng bag na iniwan sa kanya ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply