Lola nalasog sa tren sa Camarines Sur

MATAPOS masagasaan ang dalawang lasing na lalaking nakatulog sa riles ng tren nitong nakaraang Biyernes lamang sa Camarines Sur, isang lola naman ang sinuwag ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR)sa nasabi ring probinsya kagabi (Hunyo 10).

Kinilala ang biktima na si Iluminada Galvan, 65-anyos, isang junk dealer at residente ng Barangay Sagrada, Pili town.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang pulisya sa pamunuan ng PNR para matukoy kung sino ang tsuper ng tren nang maganap ang insidente.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 9:30 kagabi sa isang riles ng tren sa Pili town.

Ayon sa nakasaksi, tinangkang unahan ng biktima ang pagdating ng naturang tren kaya nahagip ito nang tumawid sa riles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply