Lola nasagasaan ng taxi, sugatan sa QC

NAGTAMO ng mga sugat sa katawan ang isang lola na sinasabing palaboy  makaraang masagasaan ng taxi sa may Congressional Avenue, Quezon City kaninang madaling araw.

Base sa pahayag ng taxi driver na si Roberto Gozon, bigla na lamang umanong tumawid ang biktima na hindi pa mabatid ang pagkakakilanlan kung kaya niya ito nahagip.

Taliwas naman sa pahayag ng mga nakasaksi na si Gozon ang siyang itinuturong may sala dahil sa labis na bilis nitong magpatakbo ng naturang sasakyan.

Base naman sa residente ng naturang lugar, madalas umanong naroon ang biktima at palakad-lakad na malimit na tumatawid sa naturang lugar at minsan na rin umano itong nasagasaan.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries si Gozon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply