Lolo tinodas sa harap ng kanyang bahay

MALAPITANG binaril sa harapan mismo ng kanyang bahay ang isang 60 anyos na lolo kagabi sa Binondo,Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Amado Cagbay ng 565 Valderama St., Binondo, Manila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Tinutugis naman ang inilarawang suspek na may taas na 5’5, nakasuot ng kulay cream na t-shirt at short pants na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ng pulisya, dakong 7:30 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa harapan ng kanyang bahay.

Nabatid na nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa isang kaibigan ng sumulpot  ang suspek at walang sabi-sabing pinaputokan sa ulo ang una na nagresulta na agaran nitong pagkamatay.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply