Lolo na bading utas sa itsinek-in na bagets

LUWA ang bituka ng isang lolo na bading nang pagsasaksakin ng itsinek-in  sa motel na menor-de-edad na estudyante kaninang hapon sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Victor  Hau, Tsinoy, 68, ng 235 Escolta St., Binondo, Maynila.

Naaresto naman at kasalukuyang hawak na ng Manila Police District-Station 3 ang suspek na itinago sa pangalang Daniel, 17, high school student  ng Ramon Magsaysay High School at residente ng Kundiman St., Sampaloc, Maynila.

Sa report, alas 3:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng Room 05, 2nd floor Anthony Lodge sa 808  Quezon Blvd., malapit sa Buenviaje St., Quiapo, Maynila.

Ayon sa namamahala sa motel na si retired PO3 Emiliano Urbano, nag-check in ang biktima at suspek dakong alas 3:00 ng hapon  ngunit makalipas lamang ng ilang minuto ay nakarinig na sila ng  komosyon sa loob ng kuwarto.

Dahil dito, kinatok ni Urbano kasama ang room boy na si Michael de la Rosa ang dalawa ngunit  ayaw buksan ng suspek kaya napilitan silang sipain ang pinto upang mapasok.

Nang mabuksan ang pintuan ay tinangka ng suspek na tumalon sa bintana ngunit maagap namang  nasukol  siya ni Edgar Duragin na noon ay dumaraan lamang sa lugar.

Ayon kay Duragin, nagduda siyang nagnakaw ang suspek dahil sa hawak-hawak na wallet kaya hindi na niya binitawan ang huli nang sumabit sa wire ng gusali sa unang palapag.

Nabatid na na-pickup ng biktima ang suspek sa isang mall saka niyayang mag-check in sa motel.

Nakuha sa suspek  ang wallet ng biktima na may lamang hindi pa nabatid na halaga at narekober din sa crime scene ang patalim na ginamit sa pananaksak sa  bading.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya  habang inihahanda ang kasong isasampa sa suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply