Lolo natagpuang patay sa bangketa sa Ermita

NAKAHANDUSAY sa gilid ng bangketa nang matagpuang patay ang isang lolo sa Ermita, Manila, kahapon (Hulyo 4).

Nakilala lamang sa pamamagitan ng dalang Senior Citizens Identification Card ang isang Desiderio Quintos, 63-anyos ng 1925 Otis St., Paco Maynila.

Batay sa report ni Det. Glenzor Vallejo, dakong alas-5:15 ng hapon nang matagpuan ang biktima sa Plaza Lawton, malapit sa Lawton Police Station Outpost No. 17, sa Ermita.

Bago natagpuan ang bangkay, nagsasagawa umano ng clearing operation si PO3 Ronald Barriga upang paalisin ang mga illegal vendor sa lugar nang napansin nito ang biktima na nakahandusay.

Inakalang natutulog lamang ang biktima kaya dali-dali itong ginising ni PO3 Barriga, ngunit laking gulat ng pulis nang mapansin nitong hindi na humihinga ang matandang lalaki.

Bunsod nito ay agad na itinawag sa himpilan ng pulisya at lumabas sa imbestigasyon na walang nakitang kahit na anong sugat na palatandaang pinaslang ang biktima.

Dinala sa St. Yvan Funeral Morgue ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply