Lolo natagpuang patay

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 70 anyos na lolo sa loob ng kanyang bahay sa Paco, Maynila kaninang umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Alejandro Bartolome ng 1637 1st Street Falo Estate Paco Maynila.

Sa report ni PO3 Amelito Lopez ,imbestigador ng Manila Police District Homicide Section, ganap na alas 10:00  kaninang umaga nang matagpuang ng kanyang mga kamag-anak ang biktima na hindi na huminga at malamig nang bangkay.

Agad namang ipinagbigay alam sa pulisya ang insidente.

Sa pagsisiyasat ni Lopez, posible umanong ikinamatay ng biktima ang matagal na nitong iniindang sakit na tuberculosis .

Tumanggi na ring  ang pamilya na paimbestigahan ang insidente dahil wala namang nakitang anumang indikasyon na may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply