Lolo patay sa ipinaputol na puno

PATAY ang isang lolo nang madaganan ng kanyang ipinaputol na puno ng mangga sa bakuran mismo ng kanyang bahay sa Barangay San Roque, Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Rolando Mendoza na, 83.

Napag-alaman na ipinaputol ng biktima ang malaking puno ng mangga sa kanyang bakuran para pagtayuan ng bahay.

Pero habang pinuputol ang puno ay bigla iyong bumagsak sa biktima, agad nitong ikinamatay.

Wala namang planong magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima sa pumutol ng puno na hindi na nakuha ang pagkakilanlan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply